Aming Kagalang-galang na KaPule,
Ako po ay patawarin kung ang susunod na tanong ay parang malakas na hangin.
Hindi ko lamang natanto kung ang libing ng kabayo ay patungkol,
sa usapang ayon sa inyo ay para bang bumabaho.
Bagamat may tonong-lasing, ang damdamin ay iisa pa rin,
nais po lamang matalakay at mapagusapan, kuro-kuro po tayo ay magpalitan.
Tunay na katawa-tawa kung ang wikang Ingles ay papasa,
Kahit na pango ang ilong, o kaya'y pilipit ang dila,
ang desisyon ng bayan ay lubhang nakapag tataka
Anong klaseng tao ang walang pagpagmamahal sa kanyang kultura,
walang orihinal na pagiisip, tamad at magaling komopya.
Nasaan ang mga katulad ng mga bayaning yumao,
nag alay ng lahat, kayamanan at dugo ngunit hindi po ang prinsipyo?
Nasaan ang kopya ng mga kapatid na ang buhay ay ibinuwis,
Nasaan ang tinig ng mga mamamayan
tunay na humihiyaw sa hapis?
Nasaan ang mga pinuno, ang mga lider na may prinsipyo,
Ano ang nangyari sa mga Mason ngayon?
tanong ng batang Rogel sa kanyang peryodiko.
Nagbulag-bulagan po kami dahil tago na ang buntot,
natakot sa isang bida na gusto po lamang maging sikat na parang haring hambog.
Kaya po yata tatanggapin na ring maging Ingles-espoken si Juan,
baka nga po tumangos ang ilong, maging blonde ang buhok ni John.
mula sa Barangay KaPule yahoogroup.
F/
RmOlano
Hanford Lodge No. 279
Grand Lodge of CA (F&AM)
...
No comments:
Post a Comment